Iginiit ni Sen. Cynthia Villar na isama sa school field trip ang pagbisita sa kabukiran para isulong ang karera sa agrikultura sa kabataan.

Sa kasalukuyan, karamihan ng mga school field trip ay nakatuon sa mga amusement park, shopping mall, at sentro ng komersyo.

“Instead of taking our school children to accident-prone areas, school authorities should consider an itinerary composed of farm tourism spots and agricultural wonders sprouting all over the country,” ani Villar.

Binanggit niya ang Costales Nature Farms sa Majayjay, Laguna na nag-aalok ng educational at fun activities gaya ng vegetable picking at planting, pag-aalaga ng mga hayop sa bukid, at kaalaman sa malusog na gawain sa pagkain. Sa Nueva Ecija, kinikilala ang Philippine Carabao Center na isa sa pinakamahusay na farm tourism destination. Mayroon itong training center, hotel, shop at museum. (Leonel Abasola)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador