Pinangunahan ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang pamamahagi ng construction materials sa mahigit 1,500 nasunugan noong Bagong Taon sa Dagupan Extension ,Tondo, Maynila, bilang tulong upang makabangon agad ang mga ito mula sa trahedya.

Pinangunahan ng alkalde, kasama ang mga city engineer, ang pamamahagi ng mga materyales sa mga residente ng Barangay 155, na nasasakupan ni Chairman Zaldy “Andeng” Bernabe; at Barangay 160, sa pamumuno ni Chairman Michael Jordan Castillo.

Kasama sa ipinamahagi ni Mayor Estrada ang mga semento, bakal, yero, pako, at iba pang materyales na gagamitin ng mga nasunugan upang muling maitayo ang kanilang bahay.

“Lahat ng kailangan sa pagpapatayo muli ng kanilang bahay ay sagot natin upang muling maibalik ang dati nilang kondisyon, pati ang bayad sa gagawa ng bahay nila ay sagot din natin,” ani Estrada. (Beth Camia)
National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya