HINDI binigo nina Dulce at Gina Pareño si Bro. Jun Banaag sa kanilang pangako na muli itong dadalawin sa kanyang Dr. Love program sa DZMM last Friday, ang unang gabing pagluluksa sa pagyao ni German Moreno na minsan ay naging bahagi sa buhay ng dalawang batikang celebrity lalung-lalo na si Gina.

Parehong contract stars sina Gina at Kuya Germs ng Sampaguita Pictures at marami silang pelikulang pinagsamahan na tampok ang Stars 66. Ang ipinagtataka lang namin ay hindi napabilang ang pangalan ni Gina sa Walk of Fame sa Eastwood na isa sa mga proyekto ni Kuya Germs.

Para kay Dulce, ang most endearing trait ni Kuya Germs ay ang pagiging tapat o loyal na kaibigan. Ang pagiging loyal niya sa Kapuso Network na nanatili hanggang sa huling sandali.

It was an evening of kuwentuhan, kainan ng food na personal na dinala ni Sister Auring ng Malabon at close friend ni Bro. Jun, at walang humpay na text greetings.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Hindi kumpleto ang gabi kung hindi aawit ang Timeless Diva na sadyang bitin dahil tatlong kanta lamang ang kanyang inawit at isa na rito ay ang Maalaala Mo Kaya na paborito ni Dr. Love. Natupad din ang biggest dream ni Bro. Jun na maka-duet si Dulce sa nabanggit na kanta. Kitang-kita ang pag-alalay ni Dulce kay Dr. Love sa biglaang duet number na maayos namang nagawa ni Dr. Love.

We were hoping na aawit ang guwapong anak ni Dulce na si David pero kailangan daw ipahinga ang boses nito for a show commitment the following day.

Hinggil naman kay Gina, pinuri siya sa “bad” karakter na ginagampanan niya sa Ang Probinsiyano sabay pagtutuwid na “trabaho lang po ito” at hindi siya dapat kamuhinan ng televiewers na walang sawang sumusubaybay sa teleseryeng pinagbibidahan ni Coco Martin. All praise din si Gina sa galing ni Coco sa pagganap ganood din sobrang pagiging humble sa tunay na buhay.

Maulit sana ang guesting ni Dulce sa Valentine’s Day and sing more songs, please. (REMY UMEREZ)