David Bowie copy

NEW YORK (AP) – Pumanaw kahapon si David Bowie, ang innovative at iconic singer na sa loob ng limang dekadang career ay nagpasikat ng mga awiting Fame, Heroes, at Let’s Dance, matapos ang ilang buwang pakikipaglaban sa cancer. Siya ay 69 anyos.

Sinabi kahapon ng kinatawan ng singer na si Steve Martin na pumanaw si David “peacefully” at napaliligiran ng kanyang mga mahal sa buhay. Nakipaglaban ang singer sa cancer sa nakalipas na 18 buwan.

“While many of you will share in this loss, we ask that you respect the family’s privacy during their time of grief,” saad sa pahayag na inilabas ni Martin. Wala nang iba pang detalye na inilabas sa publiko.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nagdiwang si David ng ika-69 na kaarawan nitong Biyernes, Enero 8, na araw din ng pagre-release sa bago niyang album na Blackstar.

Isinilang na David Jones, nakilala siya sa glam rock era noong unang bahagi ng 1970s. Taglay niya ang pambihirang androgynous look sa mga unang taon ng kanyang career at kilala sa pagbabagu-bago ng kanyang hitsura at tunog. Ang rock na tunog ng Changes ang nagbigay-daan sa disco soul ng Young Americans, na isinulat niya kasama si John Lennon, at nagkaroon din sila ng collaboration ni Brian Eno sa Berlin para sa Heroes.

Isa siya sa pinakamatatagumpay na musician noong unang bahagi ng 1980s dahil sa Let’s Dance, at naglunsad din ng malawakang American tour.

“My entire career, I’ve only really worked with the same subject matter,” sinabi ni David nang kapanayamin ng The Associated Press noong 2002. “The trousers may change, but the actual words and subjects I’ve always chosen to write with are things to do with isolation, abandonment, fear and anxiety — all of the high points of one’s life.”

Ang pagtatanghal niya ng Heroes ang pangunahing tampok sa concert para sa rescue workers kasunod ng World Trade Center attacks noong 2001.

“What I’m most proud of is that I can’t help but notice that I’ve affected the vocabulary of pop music. For me, frankly, as an artist, that’s the most satisfying thing for the ego.”

Naging low profile si David nitong mga nakaraang taon, matapos mapaulat na inatake siya sa puso noong 2000. Gumawa siya ng moody album tatlong taon na ang nakalilipas at tinawag itong The Next Day — ang una niyang recording sa nakalipas na dekada at kinumpleto nang palihim sa New York City. Kasal si David sa international supermodel na si Iman simula noong 1992.