BUTUAN CITY – Isang sunog na hindi pa batid ang pinagmulan ang tumupok sa mahigit 40 bahay sa Purok 8, Barangay Obrero sa Butuan City, nitong Linggo ng umaga.

Ayon sa paunang imbestigasyon, sinabi ng mga imbestigador na nagsimula ang sunog sa isa sa mga bahay sa lugar at mabilis na kumalat ang apoy dahil karamihan sa mga bahay ay gawa sa light materials.

Tinatayang aabot sa P500,000 ang halaga ng mga ari-ariang natupok sa sunog, na tumagal nang mahigit isang oras.

Pansamantalang tumutuloy ang mga nasunugan sa covered court ng Bgy. Obrero. (Mike U. Crismundo)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito