Mahigit 20,000 residente ng Maharlika Village sa Taguig City ang nabiyayaan ng libreng medical at dental assistance ng Iglesia ni Cristo (INC) sa taunang programa nito na tinaguriang “Lingap sa Mamamayan”, na isinagawa nitong Sabado.

Umabot sa 2,000 opisyal at miyembro ng INC—kabilang ang mga doktor at dentist—ang dumating sa Blue Mosque lulan ng 12 bus para makibahagi sa medical mission.

Ang naturang programa ay isinagawa kasabay ng Traslacion ng Poong Nazareno, na dinaluhan ng milyun-milyong Katoliko sa Quiapo, Manila.

Masayang tinanggap ni Barangay Maharlika Chairman Yasser Pangandaman ang mga miyembro ng INC sa gitna ng seguridad na kanilang inilatag upang matiyak ang kaayusan at seguridad ng mga participant.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa panayam, sinabi ni Dr. Sergie Santos, 44, pinuno ng delegasyon, na ang okasyon sa Maharlika Village ay isa sa pinakamalaki na idinaos ng kanilang grupo.

Unang isinagawa ng INC ang “Lingap sa Mamamayan” mission noong Enero 2 para sa mga residenteng Muslim sa Barangay Culiat sa Quezon City upang makatulong sa mga maralitang komunidad. (Edd K. Usman)