Dalawang katao ang naaresto ng mga elemento ng Quezon City Police District (QCPD) matapos mahulihan ng baril na paglabag sa gun ban na ipinaiiral ng Commission on Elections (Comelec).

Kinilala ni QCPD Director Chief Supt. Edgardo G. Tinio ang mga suspek na si Alfredo Bautista, 33, ng Sabarte Road, Barangay Kaligayahan, Quezon City; at Doven Demerin, 39, ng San Rafael, Rodriguez, Rizal.

Base sa report ni Supt. Alex D. Alberto, hepe ng Fairview Police Station 5, dakong 5:00 ng umaga nang hulihin si Bautista habang naglalakad sa Sabarte Road, sa Barangay Kaligayahan.

Si Bautista ay nakumpiskahan ng .22 kalibre ng baril at nakapiit ngayon sa QCPD Station 5.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Kasunod na dinampot ng QCPD Tactical Motorized Unit si Demerin sa Barangay Scout Triangle, Quezon City nang magpaputok ng caliber 22 Magnum habang nagiinuman kasama ang mga kaibigan sa may Scout Borromeo St. (Jun Fabon)