Stephen Curry
Stephen Curry
SACRAMENTO, California. (AP) – Bumitaw si Stephen Curry ng walong 3-pointers at nagtapos na may 38 puntos habang nagdagdag si Draymond Green ng 25 puntos upang pamunuan ang Golden State Warriors sa paggapi sa Sacramento Kings 128-116 para sa kanilang ikaanim na sunod na panalo.

Kumawala ang Warriors (35-2)matapos magsalansan ng 36 puntos sa third quarter kung saan itinayo nila ang 12-puntos na kalamangan bago nagtala si Curry ng 14 puntos sa fourth para magapi ang Kings.

Dahil dito ay nawalis ng Golden State ang four-game season series at naitala ang kanilang ika-12 panalo kontra Sacramento.

Nagdagdag din ng double digit performances sina Klay Thompson, Andre Iguodala at Brandon Rush na umiskor ng 15, 13 at 11 puntos ayon sa pagkakasunud-sunod para sa Warriors.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nagposte din si Green ng llimang 3-pointers at 9 na rebounds.

Nagtala ang Warriors ng 19 of 37 sa 3-pointers,kabilang ang 12 sa opening half –ang pinakamataas na nakalusot sa depensa ng Kings sa lahat ng season.

Tumapos naman si DeMarcus Cousins na may 33 puntos, 21 ay itinala niya sa first half at 10 rebounds para pamunuan ang Kings habang nag-ambag naman sina Rudy Gay, Darren Collison at Marco Belinelli ng 23, 16 at 13 puntos ayon sa pagkakasunud-sunod.

Natawagan si Cousins ng kanyang fourth foul may 9:44 oras na nalalabi sa third quarter kung saan tatlo lamang ang hinahabol ng Kings.

Ngunit pagbalik niya sa fourth quarter ay lamang na ng 12-puntos ang Golden State, 96-84.

Hindi nakalaro si Cousins sa unang dalawang laban ng Sacramento kontra Warriors at na-thrownout pa sa ikatlo noong Disyembre 28 kung saan natalo sila sa iskor na 103-122.

Nagmistulang home game ang laro para sa Warriors,na nagtapos ang three-game road trip dahil sa crowd na nagtsi-cheer sa bawat basket na mabuslo nila at sumisigaw ng,”MVP! MVP!” sa tuwing magus-shoot si Curry ng free throws.