OSAN AIR BASE, South Korea (AP) – Lumipad kahapon ang B-52 bomber ng Amerika sa South Korea, isang maliwanag na pagpapakita ng puwersa mula sa United States habang patuloy na lumalalim ang iringan ng kaalyado nitong South Korea at ng North Korea kasunod ng ikaapat na nuclear test ng Pyongyang.

Ituturing ng North Korea na isang banta ang paglipad ng US bomber, na kayang magpakawala ng mga nuclear weapon. Ang anumang pagpapakita ng Amerika ng nuclear power ay ikinagagalit ng Pyongyang, na sinasabing matagal nang lumilikha ng sarili nitong atomic weapons.

Ineskortan ng South Korean F-15 at U.S. F-16 fighters, bumalik din ang B52 sa Guam pagkatapos, ayon sa U.S. military.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'