PALMA DE MALLORCA, Spain (AP) — Humarap sa korte si Princess Cristina at ang kanyang asawa sa pagsisimula ng makasaysayang paglilitis na nagmamarka ng unang pagkakataon na isang miyembro ng royal family ng Spain ang naharap sa kasong kriminal simula nang ibalik ang monarkiya noong 1975.

Ang 50-anyos na si Cristina ay inaakusahan ng two counts of tax fraud na may parusang walong taong pagkakakulong sa diumano’y kabiguan nitong ideklara ang mga buwis sa personal expenses na binayaran ng isang real estate company na pagmamay-ari nila ng kanyang asawang si Inaki Urdangarin.

Nahaharap si Urdangarin sa mas mabigat na kaso ng paggamit sa kanyang titulo bilang Duke of Palma upang mangdispalko ng halos 6 million euros sa public contracts gamit ang nonprofit Noos Institute na pinatatakbo niya katuwang ang isang associate.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina