IPINALIWANAG ni Pope Francis ang pagbibigay-diin niya sa maawaing mukha ng Simbahang Katoliko sa una niyang libro bilang Papa, sinabing hindi napapagod ang Diyos na magpatawad at mas kinalulugdan ang mga makasalanan na nagsisisi kaysa mga moralistang inaakalang matuwid sila.
Ang “The Name of God Is Mercy”, isang 100-pahinang pakikipag-usap niya sa mamamahayag na Italian na si Andrea Tornielli, ay ilalathala ngayong linggo sa 86 na bansa sa paglulunsad ng Holy Year of Mercy ni Pope Francis.
Sa libro, kinondena ni Pope Francis ang tinatawag niyang “scholars of law”—ang mga eksperto sa doktrina na sa buong kasaysayan ng simbahan ay hinamon ang mensahe ni Hesus tungkol sa walang hanggang pag-ibig at awa kahit na para sa may pinakamaraming nagawang kasalanan. Aniya, karaniwan nang ang matutuwid na Kristiyanong ito ang mga ipokrito, at ginagamit ang batas upang ikubli ang sariling “deep wounds” nila.
“These are men who live attached to the letter of the law but who neglect love; men who only know how to close doors and draw boundaries,” nakasaad sa libro na sinabi ni Pope Francis.
“We must avoid the attitude of someone who judges and condemns from the lofty heights of his own certainty, looking for the splinter in his brother’s eye while remaining unaware of the beam in his own,” sabi ng Papa. “Let us always remember that God rejoices more when one sinner returns to the fold than when 99 righteous people have no need of repentance.”
Opisyal na ilulunsad ng Vatican ang libro sa Martes, sa isang high-level panel discussion na nagtatampok sa secretary of state ng Papa na si Cardinal Pietro Parolin, at sa aktor sa pelikulang “Life Is Beautiful” na si Roberto Benigni, na nagpapatunay na pagtiyak ni Pope Francis na mauunawaan ng lahat ang mensahe.
Sa libro, iginiit din ng Papa na ang kanyang popular na ngayong komento na “Who am I to judge” tungkol sa mga bakla ay inulit lang mula sa turo ng Simbahan tungkol sa homosexuality. Sinabi ni Pope Francis na matagal nang nananawagan ang Simbahan na ang mga bakla ay dapat na tratuhin nang may dignidad at respeto.
“People should not be defined only by their sexual tendancies: Let us not forget that God loves all his creatures and we are destined to receive his infinite love,” anang Papa. “I prefer that homosexuals come to confession, that they stay close to the Lord, and that we pray all together. You can advise them to pray, show goodwill, show them the way, and accompany them along it.”
Sa simula pa lang ng kanyang pamumuno ay iginiit na ni Pope Francis na nakasentro sa awa at pagpapatawad ang kanyang papacy, kaya naman nanawagan pa siya ng jubilee year para bigyang-diin ito. Sa pamamagitan ng libro, tinukoy ng Papa ang sarili niyang ministro na tumanggap sa mga prostitute at bilanggo sa Argentina, na nagpapatunay na ang personal niyang pakikipag-ugnayan sa mga tinalikuran na ng lipunan ang nagpatibay sa kanyang opinyon tungkol sa pananampalataya, at siyang pundasyon ng kanyang papacy.
Gayunman, nilinaw ni Pope Francis na hindi maaaring basta na lamang buksan ang mga pintuan ng bilangguan para palabasin ang mga preso sa lansangan. Ngunit, aniya, kapag napagdusahan na ang kasalanan, dapat na tanggaping muli ng lipunan ang mga dating bilanggo. At tinukoy din niya ang kaibahan ng mga karaniwang makasalanan sa mga paulit-ulit na nagkakasala at mga tiwali, sinabing ang kurapsiyon ay isang kondisyon, isang paraan ng pamumuhay, at kadalasan na ikinukubli kaya hindi ito maituturing na bahagi ng Kristiyanismo.
“The corrupt man often doesn’t realize his own condition, much as a person with bad breath doesn’t know they have it,” aniya. - Associated Press