Abala na ang Navotas City sa paghahanda ng taunang Pangisdaan Festival para 110th founding anniversary ng lungsod sa Linggo, Enero 16.

Sinabi ni Mayor John Rey Tiangco na ang selebrasyon ngayong taon ay may temang “Pag-ibig, Pamilya, Pagkakaisa para sa Payapa at Matatag na Navotas”.

Bahagi ng pagdiriwang ang mga aktibidad gaya ng health and social caravan, trade fair, Diskwento Caravan, Marikina Shoes Festival, at ang senior citizens’ ballroom party na “Moment Natin ‘To”.

Magdaraos din ng Tagisang Navoteño o pagkilala sa residenteng may pinakamaraming alam na trivia tungkol sa siyudad, at tutukuyin din ang may pinakamasarap na luto ng mamale o threadfin salmon na sagana sa Navotas tuwing Enero.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Magkakaroon din ng taunang Mutya ng Navotas, grand parade, variety show, at grand fireworks display. - Orly L. Barcala