Plano ng rector ng Minor Basilica of the Black Nazarene, na mas kilala bilang Simbahan ng Quiapo, na magpaabot ng tulong sa pamilyang naulila ng dalawang deboto na namatay sa kasagsagan ng selebrasyon ng Itim na Nazareno.

Sa panayam, sinabi ni Quiapo Rector Msgr. Hernando “Ding” Coronel na personal niyang pupuntahan ang pamilya ng dalawang biktim upang alamin kung paano siya makatutulong sa sinapit ng kanilang mahal sa buhay.

Kinilala ng awtoridad ang dalawang nasawing deboto na sina Alex Fulyedo, 27, ng Sampaloc, Manila; at Mauro Arabit, 58, ng Binangonan, Rizal.

Namatay si Fulyedo matapos atakehin sa puso habang si Arabit ay pumanaw matapos makaranas ng acute coronary syndrome.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Ipagdasal natin ang mga nasawi,” ani Coronel.

Dumating ang imahen ng Nazareno sa Quiapo Church pasado 2:00 ng umaga kahapon makaraan ang mahigit 21 oras na prusisyon, na nagsimula sa Quirino Grandstand dakong 5:30 ng umaga nitong Sabado.

Pinasalamatan ni Coronel ang gobyerno, partikular ang pulisya at militar, sa pagmamantine ng kaayusan at katahimikan sa taunang prusisyon na dinaluhan ng milyun-milyong deboto. - Leslie Ann G. Aquino