Ni Gilbert Espeña

Nietes
Nietes
Iniutos ni WBO president Francisco “Paco” Valcarcel kay WBO light flyweight champion Donnie “Ahas” Nietes na muling idepensa ang kanyang korona kay mandatory challenger Moises Fuentes ng Mexico sa lalong madaling panahon.

Dalawang beses nang nilabanan ni Nietes si Fuentes, una sa Cebu City kung saan idineklarang majority draw ang sagupaan nila noong Marso 2, 2013.

Ngunit sa kanilang rematch sa SM Mall of Asia sa Pasay City noong Mayo 10, 2014, tatlong beses pinagulong sa lona ni Nietes si Fuentes kaya nagwagi via 9th round TKO.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tinalo sa kontrobersiyal na 12-round split decision ni Fuentes si dating IBF at WBO minimumweight champion Francisco Rodriguez Jr. nitong Disyembre 5 para magkaroon ng karapatang hamunin si Nietes.

Ayon kay ALA Promotions president Michael Aldeguer, makikipag-ugnayan siya sa manager ni Fuentes na konektado sa Zanfer Promotions ni promoter Fernando Beltran para gawin ang laban sa Cebu City.

Ngunit kung hindi magkakasundo, handa si Nietes na ipagtanggol ang kanyang korona sa Mexico kung saan tatlong beses niyang naipagtanggol ang unang hinawakan na WBO minimumweight title kina Mexican challengers Eric Ramirez (UD 12), Manuel Vargas (SD 12) at Mario Rodriguez (UD 12).

Ayon kay WBO Asia Pacific head Leon Panoncillo, kailangang aprubahan ng WBO Championships Committee ang laban dahil kung hindi magkakasundo ang ALA at Zanfer Promotions ay idadaan ito sa purse bid.