Dalawang beteranong boksingero at isang promising golfer na nagbigay sa bansa ng karangalan at ng pagkakataong maging tampok sa world stage noong nakalipas na taong 2015 ang nakatakdang bigyang parangal ng Philippine Sportswriters Association.

Ang mga boxing champions na sina Donnie Nietes at Nonito Donaire Jr.kasama ang Asia Tour winner na si Miguel Tabuena ay nagtala ng mga di-malilimutang mga tagumpay sa nakalipas na taon kung saan mangilan-ngilan lamang ang naitala at naging mailap ang panalo sa mga Filipino athletes.

Dahil sa kanilang matagumpay na kampanya, ang tatlong nabanggit na mga atleta ay papagitna sa entablado sa darating na Pebrero 13 matapos mahirang na PSA Athletes of the Year sa idaraos na taunang Awards Night na ihahatid ng MILO at San Miguel Corporation sa One Esplanade sa Pasay City.

Ito ang unang pagkakaton sa nakalipas na tatlong taon na magkakaroon ng multiple awardees para sa nasabing prestihiyosong karangalan na iginagawad ng pinakamatandang media organization para sa mga deserving athletes at teams.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Taong 2012 nang pagsaluhan ang award nina Donaire, Josie Gabuco, Team Manila, at ng Ateneo Blue Eagles.

Ito na ang ika-apat na pagkakaton na mag-uuwi si Donaire ng naturang parangal matapos magwagi noong 2007, 2011 at 2012 habang ito naman ang magiging una para kina Nietes at Tabuena.

“Nonito Donaire Jr., Donnie Nietes, and Miguel Tabuena again showed and proved to the world what Filipino athletes are made of as proof of their triumph and success in their respective fields last year. As the country’s sources of pride, all three are truly deserving of the Athlete of the Year honor,” pahayag ni PSA president Riera Mallari ng Manila Standard.

Naging matagumpay ang pagbabalik sa ring ni Donaire noong 2015 matapos niyang bumaba ng timbang at lumabanmuli sa super-bantamweight division.

Lumaban sa unang pagkakataon matapos matalo kay Nicholas Walters sa world featherweight title match, nagtala ang ‘Filipino Flash’ ng second round technical knockout na panalo kontra kay William Prado noong nakaraang Marso at muling nagwagi kontra kay Anthony Settoul apat na buwan ang nakalipas.

At ibinigay ng 33-anyos na si Donaire ang kanyang makakayanan sa huling laban kontra sa Mexican boxer na si Cesar Juarez sa kanilang laban para sa bakanteng World Boxing Organization (WBO) super-bantamweight title na ginanap sa San Juan, Puerto Rico kung saan na-knockout niya ng dalawang beses si Juarez sa fourth round,bago nagwagi sa pamamagitan ng unanimous decision sa nasabing ‘Fight of the Year’ candidate.

Sinimulan naman ni Nietes ang 2015 bilang longest reigning Filipino world champion matapos lagpasan ang matagal na naging record na pitong taon at tatlobng buwan ni Gabriel ‘Flash’ Elorde.

Ngunit ipinakita ng ipinagmamalaking anak ng Murcia, Negros Occidental at top fighter ng Cebu-based ALA boxing promotions na kaya pa niyang pahabain ang kanyang paghahari bilang WBO light flyweight title holder.

Matagumpay na naidipensa ng 33-anyos na si Nietes ang kanyang 108-lbs belt kontra kina Gilberto Parra, Francisco Rodriguez Jr., at Juan Alejo na tinalo niya sa pamamagitan ng 12-round unanimous decision sa kanyang kauna-unahang laban sa US sa StubHub Center sa Carson, California.

Inungusan naman ng batang-batang professional golfer na si Tabuena si Scott Barr ng Australia ng single stroke para mapanalunan ang kanyang unang Philippine Open championship.

Tampok sa naging panalo ng 22-anyos na si Tabuena ang pagpasok niya ng anim na birdies sa homestretch para tanghaling kampeon sa torneong idinaos sa Luisita Gold and Country Club sa Tarlac,kung saan siya rin ang nagtala ng course record tatlong buwan bago gawin ang Open.

Dahil sa masamang lagay ng panahon, napilitan ang mga organizers na paikliin ang torneo hanggang 54-hole event,ngunit hindi pa rin ito naging hadlang para magningning ang panalo ni Tabuena, ang kanyang unang panalo sa Asian Tour.

Maliban sa Athlete of the Year at major awardees, magbibigay din ang PSA ng citations sa mga atleta. Entidad at mga organisasyon na nagbigay ng karangalan sa bansa sa nakalipas na taon.

Pararangalan din ang mga gold medal winners ng bansa sa nakaraang 28th Southeast Asian Games sa Singapore at magbibigay din ng President’s Award, Executive of the Year, National Sports Association of the Year, Lifetime Achievement Award, at Posthumous.

Ipagkakaloob din ang Tony Siddayao Awards para sa mga outstanding athletes na may edad 17-pababa at ang MILO Outstanding Athletes para sa mga kabataang lalaki at babae.