Ni Marivic Awitan
Laro ngayon (Araneta Coliseum)
7 p.m. Rain or Shine vs. San Miguel Beer
Sa kabila ng nakamit na 2-1 bentahe sa kanilang serye, kasunod ng naitalang 111-106 na panalo noong Game Three, hindi kuntento si Rain or Shine coach Yeng Guiao sa nangyayaring officiating sa semifinals series ng 2016 PBA Philippine Cup sa pagitan nila ng defending champion San Miguel Beer.
“We have to consult with the officials, too many touch fouls especially on Fajardo (Junemar).We dont know what a foul is and what’s not,”) pahayag ni Guiao.” We just have to clear some things up.Kailangan maliwanagan kami. We’re lucky we won 2 games kasi masyadong alaga, sobrang alaga si Junemar.”
Nais ng Elasto Painters mentor na maging malinaw ang tawagan lalo pa ngayong “undermanned” na naman ang kanyang team dahil sa pagkawala nina Raymund Almazan at Jericho Cruz.
Sinamang-palad na magtamo ng sprain sa kanyang kanang paa si Almazan sa kanilang ensayo bago ang Game Three ng ginaganap na best-of-7 series habang na-injured naman ni Cruz ang kanyang kanang tuhod matapos mabangga ni Marcio Lassiter sa laban nila noong Sabado ng gabi.
“Very hard win for us.We had to pay a big cost to win this game (Game Three).I’m hoping Jericho is not that serious.We lost Raymond in this series but we hope we can extend the series long enough.,” wika ni Guiao.
Ngunit sa kabila ng mga dumarating na pagsubok sa kanyang koponan, nananatiling optimistiko si Guiao sa tsansa nilang pumasok ng finals at umaasang mag-i-step-up para sa pagkawala nina Almazan at Cruz ang iba pa nilang mga players.
“We’re paying a big cost for the 2 wins we had.We’re willing to take that and take the challenge. We lost Paul we won games, we lost raymond we won this game. This is another opportunity for the other guys to step up.”
Sa panig naman ng Beermen, nagbanta naman si coach Leo Austria sa kanyang mga manlalaro na maging intelihente at sumunod sa kanyang mga instructions upang hindi na dumating pa sa punto na kailangan niyang magalit.
Lamang ng walong puntos papasok ng final canto, nabura ang nasabing bentahe at tuluyang bumagsak ang Beermen sa kauna-unahan nilang dalawang dikit na pagkabigo ngayong season.
“I told them frankly that we need discipline to execute everything we tackle in practice, dahil there are players na hindi ginagawa, especially yung last play namin na supposed to be hindi ganun yung mangyayari, but hindi nasunod,” pahayag ni Austria sa panayam dito na naunang lumabas sa Spin.ph.
Tinutukoy nito ang huli nilang offensive play sa nalalabing 21 segundo kung saan dapat kay Fajardo ang bola sa poste ngunit napunta kay Lassiter na nagmintis at nakagawa pa ng looseball foul na nagresulta sa dalawang freethrows at possession para sa ROS.
“It could be the big difference and the turning point of the game,” ani Austria.
“It’s always June mar. I know they’re having a hard time to stop Junemar, but our problem is our perimeter shooting, the decision making namin ay very poor.”
“I told them don’t underestimate me as a coach,” aniya “I’m not the kind of coach na talagang ipamumukha sa kanila or mumurahin sila, or ganyan, but don’t underestimate me dahil marunong rin ako magalit, sabi ko sa kanila.
“It’s not too late. Intelligent basketball ang kailangan namin.”