SARAH, BAMBOO AT LEA copy

(Editor’s note: Ang dalawang items tungkol sa television viewership ratings ay halos magkasabay na ini-release ng ABS-CBN at GMA-7. Magkaiba ang ahensiya ng TV viewership survey na pinagkukunan nila ng data.)

NAMAYAGPAG ang ABS-CBN mula umpisa hanggang sa pagtatapos ng taong 2015.

Batay sa survey data ng Kantar Media mula Enero hanggang Disyembre (hindi kasama ang Holy Week) noong nakaraang taon, nagtala ng average national audience share na 43% ang Kapamilya Network kontra 36% ng GMA-7.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Mostly viewed pa rin ang primetime block (6PM–12MN) ng ABS-CBN sa buong 2015 sa average national audience share na 50% kumpara sa 31% ng GMA-7. Nangangahulugan na kalahati ng mga manonood sa bansa sa pinagsamang urban at rural homes ay sumusubaybay sa mga de-kalibreng programa ng Primetime Bida ng Dos.

Namayagpag din ang ABS-CBN sa listahan ng pinakapinanood na 20 programa sa bansa sa 2015 at 19 dito ay mula sa Kapamilya Network.

Pinakamalakas na programa noong nakaraang taon ang The Voice Kids (41.7%), pumangalawa ang FPJ’s Ang Probinsyano (38.8%), sumunod ang Nathaniel (34.6%), Pangako Sa ’Yo (33.5%) at MMK (30.5%).

Bagamat halos isang buwan pa lang umeere ay pumasok pa sa ikaanim na puwesto ang Dance Kids sa average national TV rating na 30%. Sinundan ito ng Dream Dad (29.9%), Your Face Sounds Familiar Season 1 (29.8%), Forevermore (29.2%) at sa ikasampung puwesto ang TV Patrol (28.2), nangangahulugan na ito ang nangungunang newscast sa bansa.

Kabilang din sa top 20 ang Wansapanataym (27.9%), Rated K (25.2%), Your Face Sounds Familiar Season 2 (25.1%), Home Sweetie Home (24.2%), The Voice of the Philippines (23.2%), Pasion de Amor (23%), Bridges of Love (22.2%), Goin’ Bulilit (21.4%), at On the Wings of Love (21.3%).

Mas tinangkilik din ang ABS-CBN sa ibang teritoryo tulad sa Balance Luzon na pumalo ito sa national average audience share na 45% kontra 36% ng GMA; sa Visayas sa audience share na 55% kontra 27% ng kalaban; at sa Mindanao na may 54% kontra 28%.