Minamadali na ng National Food Authority (NFA) ang pagsasaayos ng mga bodega nito bilang paghahanda sa matinding tagtuyot sa bansa na tatagal hanggang Hunyo 2016.

Ang naturang mga bodega ay noon pang dekada ‘70 naipatayo ng NFA at kinakailangang maayos agad upang maimbentaryo ang mga nakaimbak na bigas para sa taumbayan ngayong may El Niño.

Sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), matinding epekto ng El Niño ang mararanasan ng bansa hanggang sa second quarter ng 2016 kaya asahan na ang kakaunting ulan ay may malaking epekto sa mga sakahan sa bansa.

Nabatid na nitong nakalipas na linggo ay agad na sinuri ni NFA Administrator Renan Dalisay ang CARAGA Region na higit na apektado ng El Niño, gayundin ang Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Sur, at Surigao del Norte, upang matukoy ang magiging ayuda ng ahensiya sa mga rice farmer doon ngayong tag-init.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Iniulat na NFA na may average na tatlo hanggang apat na bodega sa kada probinsiya na inaasahang pag-iimbakan ng bigas na makakasapat sa pangangailangan ng mamamayan sa bawat lugar, lalo na sa panahon ng kalamidad.

“Our rice stock prepositioning effort will be put to waste if our warehouses are not in top condition to store our rice,“ saad ni Dalisay.

Batay sa NFA, may 42 warehouse ang isasailalim sa rehabilitasyon habang 43 naman ang kukumpunihin para sa capital building structures outlay sa buong bansa. (Jun Fabon)