Minsan pang kikilalanin at pararangalan ng mga opisyales at miyembro ng Philippine Sportswriters Association (PSA) ang pinakamahuhusay at pinakamaningning na atleta at iba pang sports personalities sa taong 2015 sa pagdaraos ng Annual Awards Night sa Pebrero 13 sa One Esplanade sa Pasay City.

Gaya ng dati, magiging pinakatampok sa ekslusibong aktibidad na ipiprisinta ng MILO at San Miguel Corp. ang pagpaparangal sa mapipiling Athlete of the Year na huling napagwagian ni BMX rider Daniel Caluag noong 2014 matapos iuwi ang nag-iisang gintong medalya ng bansa noong Asian Games sa Incheon, South Korea.

Nakatakda ring igawad ang mga major awards at citations sa mga atleta, entidad at organisasyon na nagbigay karangalan sa bansa sa nakalipas na taon ng pinakamatandang media fraternity sa buong Pilipinas na tutuntong ngayon sa ika-67 nitong taon.

Kabilang din sa bibigyan ng kaukulang pagkilala ang atletang nakapag-uwi ng gintong medalya sa nakaraang kampanya ng bansa sa nakalipas na 28th Southeast Asian Games sa Singapore.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang PSA, sa pamumuno ng president na si Riera Mallari ng Manila Standard, ay igagawad din ang President’s Award, Executive of the Year, National Sports Association of the Year, Lifetime Achievement Award, at Posthumous.

Kabilang din sa kikilalanin para naman sa Tony Siddayao Awards ang mga outstanding athletes na edad 17 o pababa at ang MILO Outstanding Athletes para batang lalaki at babae. (ANGIE OREDO)