Naitala ngayong Enero ang pinakamababang generation charge simula Enero 2010. Ito ang magandang balita ng Manila Electric Company (Meralco) sa mga subscriber.

Ayon sa Meralco, naitala sa P3.92 kada kilowatthour ang generation charge ngayong Enero nang matapyasan ng P0.21 kada kWh bunsod ng pagbulusok ng Power Supply Agreements sa P0.49 kada kWh, dahil sa pagliit ng capacity fee ng power plant sa Pagbilao, Sual, Calaca at Ilijan na tumakip sa paggalaw sa singil ng Independent Power Producers at paglobo sa presyo sa Wholesale Electricity Spot Market.

“This reduction in capacity fees is due to the annual reconciliation of outage allowances under the contracts approved by the Energy Regulatory Commission,” ulat ng Meralco.

Dahil dito, ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, gagaan ang bayarin ng mga customer dahil mababawasan ng P41.30 kada buwan ang kumukunsumo ng 200 kWh. (Mac Cabreros)

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon