Tatanggap ng 10% discount sa pamasahe ang isang grupo ng limang tao na sasakay na point-to-point (P2P) express bus service.

Ito ang ipinahayag ni Cabinet Secretary at Traffic Czar Jose Rene Almendras sa pulong balitaan sa tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Makati City kasunod ng pagdami ng tumatangkilik nito partikular ang mga may-ari ng pribadong sasaskyan.

Sa ngayon may tatlong ruta na ang mga P2P bus: Trinoma patungong Park Square, Ayala; SM North Edsa patungong Park Square Ayala, at SM Megamall patungong Glorietta 5 at Park Square Terminal sa Makati.

Ibinaba na sa P55 ang pasahe mula sa orihinal na P60 sa mga bumabiyahe mula Trinoma at SM North patungong Makati habang P40 lang ang pasahe ng persons with disabilities (PWD), estudyante at senior citizen.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Sa rutang mula SM Megamall patungong Makati, ibinaba na rin sa P40 ang standard fare para sa regular passenger, P30 sa persons with disabilities (PWD), estudyante at senior citizen.

Kapag grupo ng limang tao ang sasakay makukuha sila ng 10 porsiyentong diskuwento mula sa standard rate kaya lalabas na P45 na lamang ang pasahe ng bawat pasahero.

Nasa 20 bus ang bumibiyahe ngayon sa lansangan sa Metro Manila. (Bella Gamotea)