Umakyat na sa 60 katao na ang kumpirmadong patay sa malawakang pagguho ng lupa sa China noong nakaraang buwan, sinabi ng mga awtoridad nitong Miyerkules, at 25 katao pa ang nawawala.

Ang pagguho ng lupa sa bayan ng Shenzhen, na sanhi ng maling pag-iimbak ng basura mula sa mga construction site, ang huling grabeng aksidente sa China.

Mahigit 10,600 rescuer at halos 2,200 makina ang nakaantabay para sa patuloy na operasyon, ayon sa mga awtoridad sa Shenzhen. (AP)
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture