Inabsuwelto ng Sandiganbayan si dating Sarangani Governor Miguel Escobar sa kasong malversation kaugnay ng paggamit ng ng pekeng dokumento sa paglalabas ng P300,000 pondo na gagamitin ng isang kooperatiba.

Kabilang sa mga pinawalang-sala ng anti-graft court sina dating Provincial Administrator Perla Maglinte, dating Assistant Provincial Treasurer Rosario Concon, dating Assistant Provincial Agriculturist Patricio Sol, at dating Provincial Council Clerk Renante Dialawe.

“In the case of accused Escobar, Maglinte, Concon and Sol, the Court finds that they did not take advantage of their official positions,” saad sa desisyon na isinulat ni Second Division Chairperson Teresita Diaz-Baldos at kinatigan nina Associate Justices Napoleon Inoturan at Maria Cristina Cornejo.

Unang inakusahan si Escobar at mga kasamahan niya ng pagbabayad ng P300,000 bilang ayudang pinansiyal na hiniling ni Mohammad Mudi, umano’y chairman ng Kanalo Multi-Purpose Cooperative, bagamat walang pormal na kahilingan mula sa huli at hindi rin nito natanggap ang naturang halaga.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Subalit napatunayan ng korte na guilty si Dialaw sa pamemeke ng mga public document at hinatulan itong makulong ng apat hanggang walong taon at pinagmumulta ng P5,000. (Jeffrey G. Damicog)