Umangat ang Philippine Azkals ng apat na beses sa FIFA World Rankings ngayong taong 2016.
Ang Philippine men’s national football team ay pasok sa ika-135 na posisyon makaarang magtapos na bilang ika-139 noong nakaraang 2015.
Napag-iiwanan ang mga Pinoy ng pambansang koponan ng Thailand na nasa ranggong 121 bilang highest ranked team sa buong Southeast Asia.
Huling lumaro noong Nobyembre, ang Azkals ay nabigong buhayin ang tsansa sa 2018 FIFA World Cup Qualifiers matapos mabigo sa nakatunggaling Yemen, 1-0.
Dahil sa pagtatapos ng kanilang ambisyong makaabot sa napakailap pa ring World Cup, pinaghahandaan na lamang ng Nationals ang makakuha ng spot sa 2019 Asian Cup.
Bilang panimula ng kanilang kampanya sa torneo, unang makakaharap ng Azkals ang Uzbekistan sa Marso 24, kasunod ang North Korea sa Marso 29 para sa Group H ng qualifiers.