Pinag-iingat ng Bureau of Customs (BoC) ang publiko laban sa mga pekeng tableta ng paracetamol na nagkalat ngayon sa merkado matapos makakumpiska ang mga tauhan nito ng 190 kilo ng pinaghihinalaang bogus na tablet sa isang bodega sa Clark, Pampanga.

Ayon sa mga source mula sa BoC, ang 13 pakete ng 190 kilo ng pekeng gamot ay “illegally released at Cargohaus” sa Clark, Pampanga.

“The consignee (of the analgesic) is also the broker, but it is not the end user,” pahayag ng isang source sa BoC hinggil sa nasamsam na 13 pakete ng pekeng tableta.

Tinukoy ng source ang consignee ng ilegal na shipment na Yellow Dragon Enterprise, isa sa mga “for hire” na kumpanya na madalas na ginagamit ng mga smuggler sa BoC sa pag-aangkat ng mga kontrabando.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi ng source na naglipana ang mga peke at pasaway na kumpanya mula sa 12,810 importer at broker na nasa opisyal na talaan ng BoC.

Itinuring ng source ang mga ito bilang mga “fly-by-night” broker na ginagamit ng mga smuggler sa mga ilegal na transaksiyon.

Kabilang sa mga pekeng medisina ang daan-daang paracetamol table na may tatak na “Parasaph 500 Tab.”

“These were reportedly released, but were returned after they learned the IG would run after them,” ayon sa source.

“Not all of the medicines were returned. There were still missing.” (Raymund F. Antonio)