1Z9A7733 copy

INIBA ni Direk Chris Martinez ang hairstyle ni Cristine Reyes sa “Asawa ni Marie” episode ng Lumayo Ka Nga Sa Akin ng Viva Films. Bukod sa slight blonde ang hair ng aktres, may bangs ito na swak na swak sa eksenang sampalan nila ni Antoinette Taus.

Comeback movie ito ni Cristine at puring-puri siya ni Direk Chris dahil ang laki-laki raw nang ipinagbago mula nang maging ina.

“Ang bait-bait niya ngayon, siguro dahil may baby na siya. Very professional. Very nice sa set. Thank you very much for being nice,” sabi ni Direk Chris na sinuklian ni Cristine ng magandang ngiti.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sa nasabing presscon, in-announce ni Cristine na ikakasal sila this year ni Ali Joshua, ama ng baby niyang si Amarah.

“We plan to make things right this year. We’re hoping for the better future of our family,” sabi ni Cristine.

Mauuna ang civil wedding o Christian wedding this month nina Cristine at Ali at sunod nilang paplanuhin ang big wedding. Pareho pa raw silang busy ni Ali, kaya mauuna ang small Christian wedding na ang present lang bukod sa kanilang dalawa ni Ali ay ang witness sa kasal at ang pastor.

Anyway, showing sa January 13 ang Lumayo Ka Nga Sa Akin na ang isa sa pang-come on sa moviegoers ay ang bagong pairings na hindi mo aakalaing puwedeng mangyari. ‘Yung tipo ng pairing na ‘pag nalaman mo, ang reaction mo ay “oo nga, bakit hindi” at “bakit ngayon lang sila pinagtambal?”

Sa first episode na “Bala sa Bala, Kamao sa Kamao, Satsat sa Satsat” na spoof ng action films at comedy films, sina Benjie Paras at Candy Pangilinan ang magkapareha. Si Mark Meily ang director nito.

Ang second episode na “Shake, Shaker, Shakest” na spoof ng horror movies na favorite ng local moviegoers, sina Maricel Soriano at Quezon City Mayor Herbert Bautista ang magkatambal. Gumaganap silang mag-asawa na may tatlong anak sa direction ni Andoy Ranay.

Sa “Asawa ni Marie na third episode, si Paolo Ballesteros ang kapareha ni Cristine at aminin nating lahat na hindi natin naisip na puwede silang pagtambalin.

Co-producer ng Lumayo Ka Nga Sa Akin ang Heaven’s Best Entertainment sa pamumuno ni Harlene Bautista-Sarmenta.

(NITZ MIRALLES)