Binatikos ng presidential aspirant na si Sen. Grace Poe ang Malacañang sa patuloy nitong pagdepensa kay Department of Transportation and Communication (DoTC) Secretary Joseph Emilio Abaya sa kabila ng sunud-sunod na aberya sa Metro Rail Transit (MRT) na halos araw-araw na kalbaryo ng libu-libong pasahero nito.

“Ang matindi rito ay ang patuloy na pagtanggi ni Secretary Abaya na lisanin ang kanyang puwesto sa kabila ng kapalpakan sa MRT,” pahayag ni Poe.

Aniya, dapat makinig si Pangulong Aquino sa sentimyento ng mga Pinoy na palitan na ang liderato ng DoTC na mas may kakayahang pamunuan ang kagawaran at mapangalagaan ang kapakanan ng mamamayan.

‘’Let us stop invoking the original sin through the disadvantageous contract entered into by the past administrations on the MRT3. Let us get along with this deal and gather our resources to fix whatever we can. The administration has all the resources at its disposal to do this since Day One,’’ ayon sa senadora.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kahapon, dalawang beses nagkaaberya ang MRT na ikinagalit ng libu-libong pasahero. (Karagdagang istorya sa Pahina 3)

Sinabi ni Poe na hindi maitatanggi ng administrasyon na malaki ang problema sa liderato ng DoTC dahil kitang-kita ang mahabang pila na binubuno ng mga pasahero sa mga istasyon ng MRT araw-araw dahil sa paulit-ulit na pagtirik ng mga tren.

‘’Right now, there is uncertainty about the safety of the trains as the South Korean Busan Transport Corp. reportedly opted out. The German-Filipino maintenance provider also rejected the extension of its services,’’ giit ni Poe.

‘’What’s the real score, Secretary Abaya? Who is maintaining the trains right now? What guarantee can you give that it is safe to board the trains?’’ tanong ng mambabatas. (Mario Casayuran)