Nasabat ng pulisya ang tinaguriang level 2 drug pusher sa isinagawang buy-bust operation sa Cebu City, nitong Huwebes ng gabi.

Ayon sa Cebu Police Provincial Office (CPPO), nadakip ang mga suspek dakong 6:00 ng gabi nitong Huwebes sa Sitio Baho sa Barangay Calamba, Cebu City.

Nakilala ng pulisya ang suspek na si Mark Ryan Alfanta, 21, na nakatira sa Bgy. Calamba, Cebu City.

Nakumpika ng pulisya mula kay Alfanta ang P1.2 milyon halaga ng shabu at baril.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Sinabi ng pulisya na tumagal ng dalawang linggo ang surveillance bago nahuli ang suspek na nagbebenta ng shabu sa lungsod.

Ayon kay Senior Insp. Dimersindo Mandawe, deputy chief ng Cebu Intelligence, naging pahirapan ang pag-aresto sa suspek dahil lubhang masikip ang daan sa lugar.

Iniulat ng pulisya na nakapagbebenta si Alfanta ng 300 gramo ng shabu sa loob ng isang linggo.

Napag-alaman pa na text message isinasagawa ng suspek ang transaksiyon nito sa mga kostumer.

Nabatid na noong 2012 ay nakulong na si Alfanta dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga, ngunit nakapagpiyansa.

(FER TABOY)