Mga laro ngayon

San Juan Arena

9 a.m. – UE vs UST

11 a.m. – Ateneo vs NU

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

1 p.m. – AdU vs UE

3 p.m. – FEU vs DLSZ

Muling magtutuos ang kasalukuyang namumunong National University at ang defending champion Ateneo sa pagpapatuloy ngayon ng UAAP Season 78 juniors basketball tournament sa San Juan Arena.

Nauna nang naitala ng Bullpups ang 7-game sweep ng first round kung saan kabilang ang 73-60 paggapi nila sa Blue Eaglets sa unang rematch ng last season Finals noong Disyembre 12.

Nakatakdang magkrus muli ang landas ng dalawang koponan sa ikalawang laro ganap na 11:00 ngayong umaga.

Sa iba pang mga laro, magtutuos naman ang De La Salle-Zobel at ang Far Eastern University-Diliman ganap na 3:00 ng hapon, habang magtatapat ang Adamson University at University of the East sa ikatlong laban ganap na 1:00 ng hapon.

Magtatapat naman sa pambungad na laro ang University of Santo Tomas at ang University of the Philippines Integrated School ganap na 9:00 ng umaga.

Inaasahang muling mangunguna para sa NU sina 6-foot-4 Justine Baltazar, at John Lloyd Clemente na kapwa umiskor ng tig-18 puntos sa naunang panalo nila kontra Ateneo.

Sasandig naman ang Blue Eaglets sa pamumuno ni last year Finals MVP Jolo Mendoza na nabigong makapuntos sa 15 minuto lamang ng aksiyon sa naturang laban dahil sa tinamo nitong injury.

Magkasalo sa ngayon ang Blue Eaglets at Junior Archers sa second spot hawak ang parehas na barahang ,5-2,panalo-talo, angat ng isang laro sa magkasalo ring Baby Tamaraws at Baby Falcons (4-3).

Napag-iiwanan naman dalawang laro ang Tiger Cubs na may dalawang panalo kontra limang talo kasunod ang Junior Maroons na may isang panalo sa pitong laro habang winless pa rin ang Junior Warriors matapos ang pitong laro sa first round.