CAMBRIDGE, Mass. (AP) — Pinarangalan ng Hasty Pudding Theatricals ng Harvard University si Kerry Washington bilang woman of the year.
Inihayag ng Hasty Pudding, ang pinakaunang collegiate theatrical organization, nitong Miyerkules na napili nila si Washington dahil siya ay “talented and socially engaged film, TV and stage actress who keeps breaking barriers in Hollywood.”
Si Washington, ang unang black woman sa nagbida sa isang network TV drama simula noong 1974 bilang crisis management specialist na si Olivia Pope sa hit show na Scandal, ay naging nominado na rin sa Golden Globe, Emmy at SAG Best Actress maging sa NAACP Image Award para sa Best Actress.
Siya ay pagkakalooban ng pudding pot na susundan ng parade sa Harvard Square sa Enero 28.
Ang mga nauna nang pinagkalooban ng kaparehong ay sina Meryl Streep, Katharine Hepburn, at Elizabeth Taylor. Ang komedyanteng si Amy Poehler ang siyang nanalo noong nakaraang taon.