Enero 9, 1768 nang isagawa ng dating cavalry sergeant major na si Philip Astley ang una sa mundo na modernong circus sa London, England. Gumawa siya ng isang ring, at inanyayahan ang publiko na panoorin siya habang iwinawagayway ang kanyang espada sa hangin, habang ang isa niyang paa ay nakasampa sa upuan sa kabayo, habang ang isang paa ay nasa ulo ng kabayo.

Sa pagtanggap ng mga positibong komento, hindi nagtagal ay kumuha si Astley ng mga payaso, equestrians, at musikero.

Taong 1770, nagpatayo siya ng bubong sa itaas ng kanyang ring at ipinatayo ang Astley’s Ampitheatre.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Nagtanghal din si Astley para kay King Louis XV noong 1772, at bumuo ng permanent circus noong 1782. Itinatag niya ang 18 iba pang circus sa ilang lungsod sa Europe.