Tinanggihan ng Sandiganbayan Third Division noong Enero 7, 2016 ang apela ng abogadong si Jessica Lucila “Gigi” Reyes na suspendihin ang paglilitis sa pork barrel scam plunder laban sa kanya dahil sa nakabitin niyang petisyon sa Supreme Court (SC).

Sa pagdinig sa kanyang motion na suspendihin ang proceedings, tinanggihan ni Third Division acting chair, Associate Justice Samuel Martires, sa open court ang apela ni Reyes, dating chief-of-staff at ngayo’y kapwa akusado ni Sen. Juan Ponce Enrile sa Priority Development Assistance Fund scam.

Ipinaliwanag ng kanyang abogadong si Luis Karlo Tagarda, na dapat hintayin ng anti-graft court ang desisyon ng SC sa Amended Petition for Cetiorari and Prohibition with an Application for Temporary Restraining Order na inihain ni Reyes.

Gayunman, binigyang diin ni Martires na hindi maaaring suspendihin ng korte ang paglilitis laban kay Reyes at sa utak ng pork barrel scam na si Janet Lim Napoles na nakatakdang simulan sa Enero 20 maliban na lamang kung maglalabas ang SC ng temporary restraining order. (Jeffrey Damicog)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'