Mahigit 50 koponan ang nakatakdang maglaban-laban sa apat na kategorya sa ika-20 edisyon ng Women’s Volleyball League bukas Linggo, sa Xavier School gym.

Inorganisa ng Best Center at itinataguyod ng Milo, ang WVL ay isa sa pinakamatagal ng junior volleyball league sa bansa na naghahangad na makapag-develop ng laro na nagsimulang magkaroon ng revival sa nakalipas na dekada.

Ayon kay Best Center founder at president Nic Jorge, magsisilbing panauhing pandangal at tagapagsalita sa opening rites si Larong Volleyball ng Pilipinas, Inc. (LVPI) president Joey Romasanta.

Uumpisahan ng St. Paul College-Makati ang pagtatanggol sa kanilang titulo sa 13 under Developmental Division kontra sa 12 pang mga koponang kalahok habang ididipensa naman ng Colegio San Agustin-Makati ang kanilang 13 under Competitive Division title kontra sa lima pang malalakas ding school teams.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nagbabalik din ang La Salle College-Antipolo na magtatangkang mapanatili ang taglay nilang 17 under Developmental Division title gayundin ang Hope Christian School na didipensahan naman ang kanilang 17 under Competitive Division crown noong isang taon.