Kaugnay ng kinakaharap na problema sa kuryente ng Mindanao, nananawagan ang Department of Energy (DoE) ng suporta ng publiko, lalo na ng tulong ng mga local government unit (LGU) at mga may-ari ng lupain, upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mahahalagang power infrastructures, gayundin sa iba pang sagabal.

“We appeal to the public in general, particularly to the LGUs and land owners to cooperate with the National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), the concessionaire of the national transmission lines, in securing the transmission system which is crucial to bringing electricity to the people of Mindanao,” sabi ni DoE Secretary Zenaida Y. Monsada sa isang pahayag.

Sinabi ng DoE na naayos na ang 14 sa 15 transmission tower na natumba o sinira, habang hindi pa rin naaayos ang Agus2-Kibawe Line sa Ramain, Lanao del Sur dahil sa ilang isyu sa lugar.

Pinalalahanan ni Monsada ang publiko na posibleng kalaunan ay isama sa recovery cost ng transmission ang mga sira sa mga pasilidad kaya lubusang hinihikayat ang kooperasyon ng lahat.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Hinihiling ng DoE sa mamamayan na maging mapagmatyag at iulat ang mga kahina-hinalang aktibidad sa critical areas, sa NGCP hotline number: 0917-8791-077. (Maricel Burgonio)