Nababahala ang Pilipinas na babagal ang daloy ng mga remittance mula sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa Middle East dahil sa tensiyon doon, sinabi ng governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)noong Martes.

Halos 2.5 milyong katao mula sa Pilipinas ang nagtatrabaho sa Middle East bilang mga domestic helper, construction worker, engineer at nurse, at ang Saudi Arabia ang tahanan ng 1.2 milyon sa kanila.

Nakapagpadala sila sa Pilipinas ng $5.3 bilyong remittance noong 2014, ginawa ang rehiyon na major source ng foreign exchange inflows na nakatulong sa pagsulong sa ekonomiya ng Pilipinas.

“We may see some temporary setback because of logistical difficulties and deployment (of workers) may slow,” sabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando Tetangco sa Reuters.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“But based on experiences from past regional conflicts, our overseas workers are able to find ways of sending back money to their families and also work in other areas that may be safer from conflict,” aniya.

Para sa kabuuan ng 2016, inaasahan ng BSP na lalago ang remittance sa 4% mula sa nakaraang taon para umabot sa record na $26.3 billion.

Ayon kay Herminio Coloma, presidential communications secretary, mahigpit na binabantayan ng gobyerno ang mga kaganapan sa Middle East, na nagsu-supply din ng halos kabuuan ng kinakailangang langis ng Pilipinas.

Sinabi ni Coloma na kailangang dagdagan ng gobyerno ang embassy staff sa Middle East bilang paghahanda sa anumang contingency.

Ayon sa kanya, mayroong mga kasunduan ang Pilipinas sa ibang bansa, kabilang na sa Russia at Indonesia, upang tumulong sa pagpapauwi ng mga Pilipinong maiipit sa magugulong lugar kapag lumala ang sitwasyon. (Reuters)