BAGUIO CITY – Maipagmamalaki ngayon ng pamahalaang lungsod sa mga atleta ang makabago at modernong sports facility ng Athletic Bowl at handing-handa na para magamit sa gaganaping Cordillera Administrative Region Athletic Association (CARAA) meet sa Pebrero 8.

Tiniyak ni Congressman Nicasio Aliping,Jr., na magagamit ng mga atleta, lalong-lalo sa field events ang Athletic Bowl na pinaganda para mas lalong maging agresibo ang mga manlalaro sa darating na pang-rehiyong kompetisyon.

Personal na ininspeksyon ni Aliping ang nasa 90% na ng rehibilitasyon na Athletic Bowl, na inumpisahan na ang paglalagay ng rubberized tartan sa may 400 meter na oval sa tulong ng mga Taiwanese engineer na inaasahang matatapos bago maganap ang CARAA.

“ Maganda na ang weather, kailangan kasi ay mainit ang panahon at huwag sanang umulan para matuloy na matapos ito.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Kailangan ito ng ating mga atleta,lalo na sa mga field events at ito ay ating binabantayan para masiguro na magagamit ito sa CARAA,” pahayag ni Aliping.

Ang rehabilitasyon ng Athletic Bowl ay sinimulan noong 2014 na kinabibilangan ng Phase 1-ang pagsasaayos ng mga main bleacher , Phase 2 - ang pagsisemento ng oval at mga drainage system at bakod at ang Phase 3 -ang paglalagay ng rubberized tartan tracks, na pinangasiwaan ng Department of Public Works and Highway sa ilalim ng RU Aquino Construction, bilang contractor.

Ang kabuuang pondo na P115 milyon na ginamit sa rehabilitasyon ay mula sa national government mula sa initiative ni Congressman Aliping.

Samantala, hinihintay pa ang pagri-release ng counterpart ng siyudad na P60 milyon para sa pagpapaayos ng mga bleachers, lightings, sound system at iba pang pasilidad. (Rizaldy Comanda)