Binanatan ni Liberal Party political affairs officer at Caloocan City Rep. Edgar Erice ang plano ni Senadora Grace Poe na buksang muli ang imbestigasyon sa Mamasapano carnage, na 44 na tauhan ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) ang nagbuwis ng buhay para tugisin ang mga teroristang sina Zulkifli bin Hir, alyas “Marwan”, at Basit Usman.

Sinabi ni Erice na kung sakaling totoo man na may bagong ebidensiya para buksan ang imbestigasyon, hindi naman nagtago ang administrasyong Aquino sa mga nakaraang pagdinig sa kaso sa Kongreso. Sana raw ay positibo ang resulta at hindi lamang “papogi” ng mga kandidato ang pagbuhay sa kaso.

“Kasi nung huli, kung sinisingil ‘yung pamahalaang Aquino, singilin din natin ‘yung komite na nagsimula nito,” aniya.

Kinuwestiyon ni Erice ang resulta ng imbestigasyon noong nakaraang taon. “Ano ba ‘yung na-contribute n’yo para maayos ‘yung sitwasyon? Baka naman mangyari, eh, parang binubuhay n’yo lang, sinasariwa n’yo ‘yung sugat, gusto n’yo pang pigaan ng kalamansi, para may taong lalong masaktan para sa sariling pulitikal na interes,” banat ni Erice.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Kumpiyansa si Erice na ginagamit lang ang trahedya sa Mamasapano upang pabagsakin ang survey rating ni Pangulong

Aquino para mabawasan ang tiwala ng mga tao dito at hindi iboto ang kandidato ng “Daang Matuwid” coalition na si Mar Roxas. (Beth Camia)