SEOUL, South Korea (AP) — Sinikap ng South Korea na maapektuhan ang karibal nito sa mga pagsasahimpapawid sa hangganan na nagtatampok hindi lamang ng mga batikos sa nuclear program, mahinang ekonomiya at pang-aabuso sa karapatang pantao ng North Korea, kundi pati ng natatanging homegrown weapon nito: ang K-pop.
Kabilang sa propaganda playlist na sinimulang patugtugin ng Seoul sa border noong Biyernes ang mga awitin ng female K-pop band na GFriends at Apink, Lee Ae-ran, at idol boyband na Big Bang. Ang mga broadcast ay ganti sa nuclear test ng North noong Miyerkules.
Gumagamit ng propaganda ang South Korea para palakasin ang kanyang demokrasya at kultura, ngunit idinagdag na nakatutulong ang musika para makaagaw ng atensiyon. Sinabi ng South Korean defense ministry na ang K-pop songs ay pupukaw sa interes ng mga nakikinig sa North.