Woman with insomnia

Mas maikli at hirap makatulog ang mga single parent, ayon sa isang report mula sa Centers for Disease Control and Prevention.

Nadiskubre sa nasabing report na 43% ng mga single parent sa United States ay nakakatulog ng hindi hihigit sa 7 oras kada araw, kumpara sa 33% U.S. adults na may dalawang magulang at 31% ng U.S. adults na walang mga anak.

“These results are not surprising,” sabi ni Dr. Stuart Quan, isang sleep medicine specialist at researcher sa Brigham and Women’s Hospital sa Boston.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“In general, people tend to sacrifice sleep when they have competing priorities, such as work, family responsibilities and social obligations,” sabi ni Quan sa Live Science.

At kahit na ang isang tao ay may short-term benefits dahil sa ibang prioridad sa tuwing sila ay nagkukulang sa pagtulog, ito ay may may kapalit na epekto sa kalusugan at buong pagkatao, ayon kay Quan.

Sa ulat, pinag-aralan ng mga researcher ang datos mula sa 2013-2014 National Health Interview Survey, ang yearly survey na nangangalap ng datos mula sa 44,000 U.S. adults na nasa edad 18 hanggang 64 sa pamamagitan ng face-to-face interviews. Sa isinagawang survey, nasa 69% ang mga walang anak, 26% ang may asawa at may kasamang mga anak sa bahay, at 5% ang single parent na may kasamang anak sa bahay.

Napag-alaman din sa mga datos na ang mga babae na nasa kahit anong uri ng pamilya nakapabilang ay mas hirap at maikli ang tulog kumpara sa mga lalaki, at mas madalas magising na masama ang pakiramdam, ayon sa findings na inilathala noong Enero 6 ng CDC’s National Center for Health Statistics.

Halimbawa, sa mga babaeng nagpartisipa sa isinagawang survey, 57% ng single moms ang nagsabing madalas silang magising ng masama ang pakiramdam.

“In virtually all epidemiological studies of sleep, women tend to have more sleep-related complaints than men,” sabi ni Quan said. (LiveScience.com)