Muling sinampahan ng Office of the Ombudsman ng kasong paglustay ng pondo si dating Misamis Oriental Governor Antonio Calingin, sa pagkabigong ma-liquidate ang cash advance na nagkakahalaga ng P500,000 para sa rehistrasyon ng Misamis Oriental Telephone System, Inc. (Misortel) noong Hunyo 2002.

Bukod kay Calingin, kinasuhan din si dating Misortel Manager Jusie Roxas, bunga ng pakikipagkutsabahan kay Calingin sa naturang transaksiyon.

Magugunitang unang isinangkot ang dating gobernador sa kasong malversation noong 2014 dahil sa pagkawala ng ilang piyesa at mga sasakyan na nakatalaga sa Office of the Provincial Governor.

Dahil dito, hinatulan ang dating gobernador na makulong nang hanggang 18 taon at pinagmumulta ng mahigit P2 milyon at pagbabawalan na makaupo sa alinmang posisyon sa pamahalaan. (Jun Fabon)
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente