INAASAHANG mas gaganda ang ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon, uunlad ito dahil sa mga gastusin sa pangangampanya para sa eleksiyon, ayon sa business sector.

Walang katakut-takot na inihayag: Hahataw ang ekonomiya dahil sa elesiyon.

“Year 2016 should be better than 2015, considering that this is an election year,”dagdag ni Alfredo Yao, chairman emeritus ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI). “Our GDP will be better this year. We will have 6.5 percent GDP, probably,” dugtong ni Yao.

Sinabing ang port congestion ay hindi na muling mauulit pa, at ang ekonomiya ng China ay mas gaganda.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sinabi rin ni Francis Chua, founding chairman of the International Chamber of Commerce and Industry na, “election fund will boost our economy. It is most welcome by the people and retailers.”

Ang buong suporta ng Pilipinas mula sa pagbisita ni Pope Francis, APEC meeting, at ang Miss Universe event “will accelerate investment in the Philippines while election spending will benefit agriculture, food and beverages, as well as manufacturing,”

“Restaurants, hotels, transport, tri- media, and even the talents business will benefit tremendously and GDP may even grow 7 percent this yeart,” ayon kay Samie Lim.

Sinabi naman ni Sergio Ortiz-Luis Jr., president ng Philippine Exporters Confederation, na sa kabila ng mga pagsubok, ang mga pagbabago sa mga pamilihan ay makatutulong ng malaki sa export growth ng bansa, idinagdag na, “I think six percent GDP should be easy to accomplish.” Ang Pilipinas ay nananatili bilang isang “bright spot” sa Asya sa kabila ng mga naging problema, aniya.

Ngunit ipinayo ng PhilExport chief na kailangan palawakin ng gobyerno ang mga financing option para sa MSMEs sa pamamagitan ng paglalaan ng P20 bilyon sa pautang para sa MSMEs.

Kaugnay nito, nananatiling nasa Top 3 ang Pilipinas sa pagiging positibo sa negosyo sa 2016, base sa isang global survey.

Sinasabi sa survey na ang Pilipinas ay healthy at businesswise.

Ayon sa International Business Report (IBR) ng Grant Thornton, lumalabas sa kanilang quarterly global survey ng business leaders sa 36 economies na ang Pilipinas ay may positibong rating na 84%, pangatlo kasunod ng India at Ireland.

“The global economy continues to change and evolve, with shifting landscapes in major economies creating new challenges but also new opportunities. Those businesses with an instinct for growth will be best placed,”ayon kay Marivic Españo, chairperson at CEO ng P&A Grant Thornton. (FRED LOBO)