Masusukat ang kakayahan ni WBF featherweight champion Harmonito dela Torre ng Pilipinas sa kanyang unang laban sa Amerika laban sa sumisikat na Mexican super lightweight na si Rafael Guzman sa Enero 22 sa Casino del Sol, Tucson, Arizona sa United States.

Noong Oktubre pa dapat ang laban ni Dela Torre sa US ngunit nabalam ang pag-iisyu ng kanyang visa dahilan upang hindi kalawangin ay sumagupa siya sa beteranong kababayan na si Richard Betos na pinatulog niya sa 2nd round noong Nobyembre 11, 2015 sa Maasim, Sarangani Province.

Naging WBF champion si De la Torre nang patulugin nito sa loob ng apat na rounds si dating WBO Asia Pacific super flyweight at Indonesian bantamweight champion Isaac Junior sa General Santos City, South Cotabato noong Setyembre 13, 2014.

Unang laban din ni Guzman sa US pero nakagugulat ang kanyang rekord na 16-1-1 win-loss-draw na may 10 panalo sa knockouts kaya maituturing siyang mapanganib na kalaban para kay Dela Torre.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Dalawang beses nang lumaban si Dela Torre sa mga promosyon ng Top Rank Inc. sa Macao, China na kapwa niya napagwagian sa knockouts kaya hindi masasabing bagito ang Pinoy boxer sa laban sa ibayong dagat.

May kartada na perpektong 17 panalo, 12 sa pamamagitan ng knockouts si Dela Torre. (gilbert espeÑa)