Isinusulong ni Senator Sonny Angara na isama sa pagtuturo sa mga paaralan ang pagsasagawa ng cardiopulmonary resuscitation (CPR).

Ayon kay Angara, mahalagang matutunan ng mga estudyante ang pagresponde sa health emergency lalo pa’t dumarami ang mga taong nagkakaroon ng sakit sa puso.

“We must instill health consciousness among Filipinos, and ensure that we are equipped with the necessary knowledge and basic skills to respond to certain health emergencies,” ani Angara.

Ayon sa mga eksperto sa kalusugan, malaki ang tsansang makaligtas ang mga pasyente na nabigyan ng CPR dahil napapanatili nito ang malayang daloy ng dugo patungo sa utak at puso at nababawasan ang tinatawag na “electric shock” na dahilan ng atake sa puso.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Pangangasiwaan ng Philippine Heart Association o ng Philippine National Red Cross ang pagsasanay sa mga estudyante.

Bukod sa CPR, hiniling din na isama sa pagtuturo ang pagbibigay ng first aid lalo pa’t madalas ang pagpasok ng mga kalamidad sa bansa. (Leonel Abasola)