Tatagal ang epekto ng nararanasang matinding El Niño hanggang sa kalagitnaan ng 2016, at 85 porsyento ng mga lalawigan ang inaasahang magdurusa sa tagtuyot sa pagtatapos ng Abril, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sinabi ni PAGASA-Climate Monitoring and Prediction Section OIC Anthony Lucero na 20% ng mga lalawigan sa bansa o 16 probinsiya ang makararanas ng tagtuyot sa katapusan ng Enero, 36% o 29 na probinsiya sa pagtatapos ng Pebrero, 42% o 34 na probinsiya sa pagtatapos ng Marso, 85% o 68 probinsiya sa pagtatapos ng Abril, 42% o 34 na probinsiya sa pagtatapos ng Mayo at 22% o 18 probinsiya sa pagtatapos ng Hunyo.

Mula Enero hanggang Hunyo, sinabi ni Lucero na makaaasa ang bansa ng dalawang bagyo sa panahong ito, kumpara sa anim hanggang walong bagyo sa taong walang El Niño.

Binanggit ni Lucero na sa mga taon ng matinding El Niño noong 1972, 1982, 1997 at 2009, walang bagyong naitala sa noong Enero at Pebrero.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Noong nakaraang taon, 15 bagyo lamang ang nakaapekto sa bansa, kumpara sa karaniwang 19 hanggang 20 bagyo sa isang taon.

Ang 2015 ay idineklara ring pinakamainit na taon ng World Meteorological Organization. Gayunman, pang-apat lamang sa pinakamainit na taon sa Pilipinas, at ang 2013 ang pinakamainit simula noong 1951.

Sinabi ni Lucero na ang pinakamaiinit na taon sa bansa ay ang 2013, 1998, 2012, 2015, 2010, 2014, 2006, 2007, 2001 at 1987. (Ellalyn De Vera)