Limang katao ang nadakip ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) sa ikinasang anti-crime operations sa paligid ng Quiapo Church, na bahagi ng paghahanda sa Traslacion 2016 bukas.

Ayon kay Chief Insp. John Guiagui, commander ng Plaza Miranda Police Community Precinct (PCP), naaresto ang mga suspek dakong 4:30 ng umaga kahapon sa paligid ng Quiapo Church.

Ang isa sa mga naaresto ay nakilalang si Omar Asis Abdul, na hinihinalang holdaper at target ng isang warrant of arrest, habang ang apat na iba pa ay nadakip naman habang nagpa-pot session sa ilalim ng Quiapo Bridge.

Isa sa mga suspek ay nahulihan pa umano ng balisong.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi ng pulisya na ipinapa-check na nila ang pagkatao ng mga nadakip dahil sa hinalang plano ng mga ito na mambiktima ng mga deboto ng Poong Nazareno.

Bukod naman sa anti-crime operations, sinimulan na rin ng MPD ang pag-aalis ng mga tindahan at iba pang obstruksyon sa paligid ng Plaza Miranda, Palanca at Villalobos Streets na daraanan ng Traslacion. (Mary Ann Santiago)