Nakipag-ugnayan na ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)Caraga, PNP Maritime-13, Philippine Coast Guard at MARINA sa pamahalaan ng Indonesia kaugnay ng 25 Pilipinong mangingisda na nakakulong doon.

Ang mga mangingsidang Pinoy ay taga-Barangay Sabang at Barangay San Juan ng Surigao City.

Base sa report, sakay ng MB RGJ Fishing ang mga mangingsida na umalis sa Surigao City noong Nobyembre 25, 2015 at naaresto noong Disyembre 7, 2015 ng mga nagpatrulyang Coast Guard ng Sorong City, West Papua province sa Indonesia.

Kinilala ng Maritime Industry Authority (MARINA) Caraga ang operator ng MB RGJ Fishing na si Gemma Navarro, ng Barangay Togbongon.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Dinakip ang sasakyang pandagat ng mga Pinoy matapos walang naipakitang permit sa pangingisda sa karagatang sakop ng Indonesia at wala ring travel document ang mga mangingisda. (Jun Fabon)