Tanging si Vice President Jejomar Binay lamang ang tumaas sa trust at performance rating sa hanay ng mga opisyal ng gobyerno, ayon sa resulta ng pinakahuling survey ng Pulse Asia.

Subalit si Pangulong Aquino naman ang nag-iisang opisyal ng gobyerno na nakatanggap ng trust at performance rating na pumalo sa “majority.”

Sa survey noong Disyembre 4 hanggang 11 sa 1,800 respondent, nakakuha si Aquino ng 53% trust rating at 55% approval rating.

Ang trust at performance rating ni PNoy na 54% ay mas mataas din kumpara sa 49% na kanyang nakuha nitong third quarter.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Sumunod kay Aquino si Binay na nakakuha ng 49% trust rating at 52% approval rating, at Sen. Franklin Drilon na umani ng 47% trust rating at 51% performance rating.

Base sa survey, tumaas ng 10 puntos ang trust rating ng bise presidente at siyam na puntos sa approval rating mula sa third quarter survey.

Unang sinabi ni VP Binay na ang kanyang pag-iikot sa iba’t ibang bansa ng tahimik at hindi pakikipagsabayan sa bangayan ng mga pulitiko ang kanyang “secret weapon” sa pagbawi sa mga survey nitong mga nakaraang buwan.

Samantala, nakakuha si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno ng 25% sa approval rating at 29% sa trust rating; habang si Speaker Feliciano Belmonte Jr. ay nakakuha ng 24% sa approval at 29% sa trust rating. (ELLALYN DE VERA)