taekwondo president Hong copy

Literal na makikipagbakbakan ang mga Pilipinong taekwondo jins sa pagtatangka na masungkit ang pinakamaraming slots sa qualifying event ng 2016 Olympic Games na gaganapin sa Rio de Janeiro, Brazil sa Abril.

Sinabi ni PSC Chairman Richie Garcia na nangako ang Philipine Taekwondo Association na sisikapin nitong makapagsama ng dalawang lalaki at dalawang babaeng atleta sa pamamagitan ng lehitimong pagkuwalipika sa kada apat na taong torneo.

“It’s a tough tournament because almost all of the best jins in the world will be coming,” sabi ni Garcia. “That is why the taekwondo association wanted to hold the qualifying here so as for all our athletes to be able to compete with the privilege of fighting in our homecourt.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Nakatakdang isagawa ang Asian Olympic Qualification Tournament sa Abril 19-20 kung saan higit sa 400 atleta at mga opisyal sa Asya ang mag-aagawan sa nakatayang 16 na tiket sa lalaki at babae sa 2016 Olimpiada.

Posibleng gawin ang 2016 qualifiers sa Grand Ball Room ng Marriott Hotel Manila o Cuneta Astrodome.

“I hope to get four, if not, maybe three,” sabi naman ni PTA chief executive officer Sung Chon Hong na umaming mahihirapan ang mga Pinoy jins kontra sa dadayong mga kalaban.

“All our athletes are very qualified but then it also depends on the luck of draw,” paliwanag ni Hong.

Una sa tatlong torneo na pamamahalaan ng PTA sa loob ng limang araw ang Asian Olympic Qualifiers. Sunod ito ay ang Asian Taekwondo Championships at ang Asian Para Taekwondo Championships. (ANGIE OREDO)