Naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang hinihinalang “shabu queen” sa isinagawang entrapment operation sa Bulacan, iniulat kahapon.

Sa report ni PDEA Director General Arturo G. Cacdac Jr., kinilala ang suspek na si Sharry J. Bartolome, residente ng Minuyan Proper, San Jose Del Monte City, Bulacan.

Lumitaw sa imbestigasyon, dakong 7:00 ng gabi, pinosasan si Bartolome matapos bentahan ang isang PDEA agent ng 53 gramo ng shabu sa Kalye Demonyo Road 2, Minuyan Proper sa San Jose del Monte City.

Nabatid na aabot sa P243,000 ang halaga ng shabu na nakumpiska sa suspek.

National

4.7-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Iniulat din ng pulisya na paslit pa lamang si Bartolome ay ginagamit na siya ng sindikato bilang drug courier hanggang sa siya ay maging isang big time shabu dealer.

Nakapiit ngayon si Bartolome sa detention cell ng PDEA Regional Office 3 sa Camp Olivas, San Fernando City, Pampanga.

(Jun Fabon)