MARAMI ang nag-aabang sa magiging resulta ng imbestigasyon ng Kongreso sa maraming reklamo hinggil sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ilalabas na rin ang opisyal na kinita ng mga pelikula na sumali sa MMFF, kaya paglabas ng item na ito ay alam na ng producers ng walong pelikulang kalahok kung saan sila nakatayo as far as box office income is concerned.

Pero mas inaabangan talaga ang imbestigasyon ng Kongreso. May nagsasabi naman na baka ningas-kugon lang ang gagawing imbestigasyon.

Pero ayon sa nakausap naming si Cong. Winston Castelo ng 2nd district ng Quezon City, sigurado siyang magtuluy-tuloy ang imbestigasyon at hindi mababalewala ang reklamo ng mga tao lalo na ang involved sa pelikulang Honor Thy Father.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ayon pa kay Cong. Castelo, hindi lang nakasentro sa disqualification sa best picture category ng pelikulang pinagbibidahan ni John Lloyd Cruz ang gagawin nilang imbestigasyon.

“Gusto rin naman malaman ng lahat kung paano ang ginawa nilang pagpili sa walong entries at kung ano ang basehan nila at pati na rin kung sino ang ang namumuno sa pilian at sa pagpili ng mga itinanghal nilang mga nagwagi,” sey pa ng asawa ng dating aktres at newscaster na si Quezon City Councilor Precious Hipolito-Castelo.

Dagdag pa ng kausap namin, kasama rin sa aalamin nila kung paano pinagdedesisyunan ang pagtanggal sa mga sinehan ng mga hindi gaanong pinapasok ng tao tuwing MMFF.

“Supposed to be pista ng Pelikulang Pilipino ang mga araw na ‘yun kaya dapat lang na mai-promote nang husto ang mga entries, kaya unfair naman na tatanggalin agad ang mga ito sa mga mga sinehan,” sey pa ng magaling na mambabatas na sa kanyang pangatlong termino ay walang nangahas lumaban, huh!

Sa tanong namin kung bakit patuloy na pinamunuan ng Metro Manila Development Authority ang MMFF at hindi ng mismong mga taga-mivie industry, binanggit ni Cong. Winnie na dahil ito sa bisa ng Presidential Decree na nilagdaan ni Presidente Corazon Aquino. (JIMI ESCALA)